Ni: Mary Ann Santiago

Duguang bumulagta ang isang motorcycle rider makaraang pagbabarilin ng nakasabayang riding-in-tandem sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nagawa pang makatakbo ni Jessie Villanueva, 39, ng Katuparan, Vitas, Tondo, mula sa mga suspek ngunit siya ay hinabol at muling pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Escarlan, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nangyari ang pamamaril sa harap ng Fortune Dragon Building, sa 1440 Antonio Rivera Street, bandang 6:50 ng gabi.

Politics

Detention order vs. Grijaldo, binawi ng Quad-comm!

Sakay sa motorsiklo ang biktima at binabaybay ang naturang lugar nang sabayan ng mga suspek at pinagbabaril hanggang sa sumemplang.

Kahit sugatan, nagawa pang makatayo ni Villanueva at tumakbo upang tumakas ngunit hinabol siya ng mga suspek at muling pinagbabaril na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Patuloy na inaalam ang motibo sa pamamaril.