Ni: PNA

TUMULAK patungong Amerika ang 16-man Philippine archery team para tumudla ng medalya sa World Cup na nakatakda sa Hunyo 20-25 sa Salt Lake City, Utah.

Ayon sa World Archery Philippines (WAP), ang 16 na atleta na sasabak sa World Cup Stage 3 ay sina Jennifer Chan, Amaya Paz Cojuangco, Kim Concepcion at Abby Tindugan (women’s compound); Joseph Vicencio, Niron Concepcion, Paul dela Cruz at Earl Yap (men’s compound);

Mary Queen Ybanez, Pia Bidaure, Kareel Hongitan at Nicole Tagle (women’s recurve); at Mark Javier, Rogelio Tremedal, Gabby Moreno at Flor Matan (men’s recurve).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Matapos ang kampanya sa World Cup, magtutungo ang Nationals sa Archery Olympic Center sa Chula Vista, California upang sumabak sa isang linggong pagsasanay kasama ang mga local coach na sina Clint Sayo, Joy Marino at Marvin Cordero. Sasabak din sila sa mini-competition sa Hunyo 26 hanggang Hulyo 2.

Mula sa US, bibiyahe ang Filipino archers patungong Chinese Taipei para sumabak sa Asia Cup 2 sa Hulyo 4-9.

Ipagpapatuloy ng Philippine Team ang pagsasanay sa Dumaguete City bago bumiyahe patungong Malaysia para sa Southeast Asian Games sa Agosto 19-30.

Inihahanda ng WAP ang koponan para sa pagsabak sa qualifying tournament para sa 2020 Tokyo Olympics.