Ni: Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

5 n.h. – Ginebra vs TNT

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

MAY pasabog kaya ang TNT o maisagad ng Ginebra Kings ang serye sa winner-take-all?

Nakaiwas ang Kings sa tuluyang pagkagutay nang magawang pahinain ang Talk ‘N Text sa Game 3, 125-101, sapat para makakuha ng momentum sa pagpapatuloy ng kanilang best-of-five semifinal duel ngayon sa OPPO-PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome.

Hataw si import Justin Brownlee sa naiskor na 31 puntos, 11 rebound at apat na blocks para sandigan ang Kings sa eliminasyon.

Inaasahang higit pa rito ang numerong malilikha niya sa pakikipagtuos sa Katropa sa Game 4 ganap na 5:00 ng hapon.

Sinasabing nabigyan ng inspirasyon ang Kings sa presensya ng dating playing coach nito at tinaguriang Living Legend na si Sonny Jaworski.

Ngunit, may pagdududa sa tunay nilang kakayahan dahil nagawa nilang manalo na wala ang import ng TNT na nagtamo ng injury sa laro.

“We still haven’t done anything. We’re basically in the same boat with Star. Our goal now is to get this into Game Five,” pahayag ni Ginebra coach Tim Cone. “Let the chips fall where they may. At least we got one. Let’s see if we can carry it over to Game Four.”

Para naman kay TNT coach Nash Racela at sa kanyang Katropa, malaking hamon din para sa kanila sakaling hindi mahanapan ng remedyo na makabalik sa hardcourt ngayong hapon ang import nilang si Joshua Smith na napag-alamang may injury sa hinlalaking daliri sa paa.