Ni BELLA GAMOTEA

Iniimbestigahan na ng Las Piñas City Police ang motibo sa pagpapakamatay ng isang pulis sa nasabing lungsod, kahapon ng madaling araw.

Isang tama ng bala sa bunganga na tumagos sa ulo ang sanhi ng pagkamatay ni PO3 Ryan Chris Noriega y Isidro, 35, nakatalaga sa Manila Police District (MPD)-Station 11 ngunit nag-AWOL (absent without leave) nang mapabilang sa mga pulis na nahaharap sa administrative at criminal cases na ipinatapon sa Basilan.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente sa bahay ng kinakasama ng biktima sa M. Roxas Street, Dona Manuela 4B, Pamplona 3, dakong 3:30 ng madaling araw.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Sa pahayag sa pulisya ni Carina Joy Ade, live-in partner ni Noriega, kasama niya ang biktima at dalawa nilang anak nang bumunot ng baril si Noriega, itinutok sa bunganga at kinalabit ang gatilyo.

Narekober sa pinangyarihan ang isang caliber .38 revolver Special Ruger SP101 na kargado ng apat na bala.