Ni: Light A. Nolasco
CARRANGLAN, Nueva Ecija - Puspusan na ang ginagawang konstruksiyon para sa konkretong barrier sa ilang bahagi ng national highway sa Carranglan, Nueva Ecija, kung saan nahulog sa 80-metrong bangin ang isang pampasaherong bus na ikinasawi ng 33 pasahero at ikinasugat ng 44 na iba pa.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH)-Region 3 Director Antonio Molano, Jr., ang mga bagong concrete barrier ay kapalit ng mga lumang barrier na madalas umanong maging dahilan ng aksidente sa nasabing lugar.
Naglaan ang DPWH central office ng P2.5 milyon para sa pagpapalit ng mas mahabang konkretong barrier na may sukat na 180 metro at magiging mas ligtas kontra aksidente.