Ni; Rommel P.Tabbad

Tinanggihan ng Sandiganbayan ang mosyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na ibasura ang inilabas nitong mga subpoena na nag-uutos sa huli na iharap sa korte ang mga dokumentong may kaugnayan sa imbestigasyon sa pork barrel fund scam.

Sinabi ng 5th Division ng anti-graft court na mahalaga sa kasong plunder ni dating senador Jinggoy Estrada ang mga papeles na hinihiling ng korte.

Kamakailan, hiniling ni Estrada sa hukuman na magpalabas ng subpoena para sa ilang AMLC report at memoranda kaugnay ng mga transaksiyon ni Janet Lim Napoles, ang itinuturong utak Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'