Liza3 copy

Ni: REGGEE BONOAN

“I lost count,” ang sagot ng manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz nang tanungin namin kung ilan na lahat ang iniendorsong produkto ng dalaga sa media launch ng Megaproplus and Megasound Karaoke System sa Luxent Hotel nitong nakaraang Huwebes.

Ang Megaproplus and Megasound Karaoke System ay pag-aari nina Mr. Kim Sungbok at business partners na mag-amang Mr. Jacinto Co at Mr. Andy Co.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“It is common knowledge that a party is not a Filipino party without karaoke. Our vision was to spread entertainment throughout the Philippines and truly showcase the Filipinos’ natural festive attitude through singing,” pahayag ni Mr. Andy Co.

“Filipinos love to be in the spotlight and singing is the perfect way for them to do so. In any get-together, whether it’s an office party or family reunions, singing has always been the best icebreaker. Once someone gets hold of the microphone and starts to sing it sets a positive mood and makes everybody feel more comfortable,” dagdag niya.

Nagsimula ang MP Megapro Plus Marketing Corporation noong 2006 gamit ang Korean engineering technology at ang unang produkto nila ay MP-100NS DVD system na naging flagship model na hanggang ngayon.

Si Liza ang napiling unang brand ambassadress ng MP Megapro Plus Marketing Corporation, “Not only because we believe that she best represents our brand but also because she embodies the millennial Filipino, ambitious, talented, very hardworking, and most importantly – loves to sing in her free time,” ani Mr. Andy Co.

Iilan pa lang ang nakakaalam na hindi lang mahusay na artista si Liza kundi marunong din siyang kumanta na ipinarinig niya sa launching na dinaluhan ng dealers ng produkto sa iba’t ibang panig ng bansa.

Samantala, hindi naiwasang itanong kay Liza ang tungkol sa Darna project na sa rami ng gustong gumanap na Pinay superhero ay siya ang napili ng ABS-CBN Management at ni Direk Erik Matti.

“Well, of course, I’m happy. At first, when they announced na ako ‘yung magda-Darna, I was very overwhelmed.

“And of course, there are some good opinions, there are some who don’t agree.

But, you know, I have to respect everybody’s mind,” say ni Liza.

Sa kabila ng unanimous decision na bagay si Liza na maging Darna ay mangilan-ngilan ding may ayaw dahil may ibang gusto kaya ‘yung iba ay bina-bash siya.

“If they don’t think I’m the right one to be Darna, then so be it. I respect that. But I still want to prove to everybody that I am the right one to be Darna that I can do it, that I’m trying to do my best,” sabi ng young actress.

Handa na ba si Liza na sumigaw ng ‘Darna’ o tulad ng mga naunang gumanap o gagamit ay may ibang sisigaw para sa kanya?

“Well, hindi ko po siya pinapraktis. Nahihiya ako sa sarili ko na i-practice siya kasi hindi ko pa alam kung ano’ng tamang way talaga. But, if they tell me na ako talaga ‘yung sisigaw ng Darna, then I will do it.”

Millennial baby si Liza kaya hindi pa niya gaanong kilala si Darna at sa katunayan ay nag-research kung sinu-sino ang gumanap at kung kailan ito ipinalabas.

Para magkaroon din ng ideya ay pinanood ni Liza ang Wonder Woman na nahahawig din sa kuwento ni Darna bilang local heroine.

Pero panay na ang ensayo niya sa gym at pati dancing ay kasama sa itinerary niya.

“Kasi siyempre ‘yung technique ng galaw at kilos ni Darna, kailangan perfect ‘yung timing,” paliwanag ni Ogie.