Ni ali g. macabalang

MARAWI CITY – Sa gitna ng nagkukulang na goods at serbisyo sa mga evacuation center, daan-daang residente na naiwan sa siyudad ang patuloy na nagpapakita ng katatagan para malampasan ang kalunos-lunos nilang kapalaran, ayon sa volunteer medics.

“’Yong resiliency nila ang maganda sa kanila. They have strength in their faith, and they find strength in supporting each other,” sinabi nitong Huwebes ni Dr. Ismael Cordero Jr., isa sa medical officers na boluntaryong nagbibigay ng psychosocial processing sa evacuees.

Ang pagtatasa ni Dr. Cordero ay ibinahagi sa media ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP), na namamahala sa mga operasyon ng gobyerno para matamo ang kapayapaan sa nagaganap na krisis.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We’re able to assess both adults and children. They’ve been here for several days, we have observed their coping mechanism... they’re very resilient,” sabi naman ni Dr. Gioafe Anchenta, isa pang psychosocial interventionist, sa pahayag ng OPAPP.

Dalawa sila sa volunteers mula sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) na umaalalay sa mga residente na nakatira sa loob ng kapitolyo sa Marawi.

Binanggit ni Dr. Ancheta ang mga positibong paraan upang matulungan ang mga bakwit na makabawi mula sa nararanasang krisis.

“Their coping mechanism includes helping each other out. They’re trusting Allah (God) to provide despite all these happenings and they are also thankful for their lives,” sabi ni Ancheta.

“They are also focusing on their day to day activities. Parang, ‘let’s keep ourselves busy, and work on the things that we can do’. Merong mga nagdyo-joke, dinadaan nila sa joke,” sabi niya.

Noong bisperas ng Araw ng Kalayaan, nagkaroon ng palaro sa mga residente. Napuno ng tawanan ng mga magulang at mga bata ang gabi na ‘tila walang nangyayaring labanan, ayon sa OPAPP.

Ibinahagi rin ni Dr. Ancheta ang ilan sa madamdaming kuwento ng kanyang mga pasyente. Ang isa ay tungkol sa may-ari ng bahay na pinagkunwaring Muslim ang kanyang Kristiyanong kasama upang ligtas na makaalis sa lugar ng labanan.

“May mga staff sila that are not Muslims, and they heard na hinaharangan ang mga Christians. So what she did as the head of the household, binigyan niya ng mga hijab ang mga staff niya. Then she instructed them na huwag lang magsasalita. Nakakaantig ng puso,” ani Ancheta.