Ni: Agencé France Presse

ISA sa bawat limang bata sa mayayamang bansa ang namumuhay sa kahirapan, ayon sa ulat ng UNICEF na inilathala nitong Huwebes at sa pamamagitan ng report ay natukoy na kabilang ang Amerika at New Zealand sa mga bansa sa mundo na nagpapabaya sa kapakanan ng mga batang mamamayan nito.

Halos 13 porsiyento ng mga bata sa dalawang nabanggit na bansa ang walang access sa sapat na ligtas at masusustansiyang pagkain, ayon sa ulat, at tumaas pa ang bilang na ito sa 20 porsiyento sa Amerika at sa Britain.

“Higher incomes do not automatically lead to improved outcomes for all children, and may indeed deepen inequalities,” sabi ni Sarah Cook, director ng UNICEF Innocenti research office na naglathala sa ulat. “Governments in all countries need to take action to ensure the gaps are reduced and progress is made.”

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sinuri ng “Report Card” ang iba’t ibang factor gaya ng edukasyon, kalusugang pangkaisipan, pagkalulong sa alak, oportunidad sa pagkakakitaan, at kalikasan upang tukuyin ang mga programa ng 41 mayayamang bansa para sa pagpapabuti sa kalagayan ng mga bata.

Nanguna sa listahan ang Germany at mga Nordic country, habang nangulelat naman ang Romania, Bulgaria, at Chile, samantalang nasa ika-34 ang New Zealand at pang-37 naman ang Amerika.

Napakababa ng nakuhang iskor ng Amerika sa larangan ng kahirapan, pagkagutom, kalusugan, edukasyon, at kawalan ng pagkakapantay-pantay.

Partikular na nagpapabaya ang New Zealand sa larangan ng kalusugang pangkaisipan sa pagtatala nito ng pinakamaraming kaso ng pagpapatiwakal sa mundo ng mga edad 15-19 — halos tatlong beses sa karaniwang naitatala ng mga bansang sinuri.

Bilang tugon sa ulat, sinabi ng New Zealand Psychological Society na dapat na umaksiyon ang gobyerno ng New Zealand kaugnay ng nakalulungkot na estadistika.

“These statistics paint a picture of many young people being left behind in a country that should be able to provide for all,” sabi ni Quentin Abraham, presidente ng New Zealand Psychological Society. “This report calls for action from the government and us all to develop policies that make sure children and young people are able to lead full and active lives.”

Ayon sa Child Poverty Action Group, “depressing” ang nasabing bilang, sinabing itinitigil na ng New Zealand ang subsidiya nito sa child health care pagtuntong ng bata sa edad 13, o sa pagsapit sa panahong higit na kailangan ng bata ang gabay at ayuda.

“The link between child mental health and poverty cannot be ignored,” sinabi ni Innes Ashes, tagapagsalita ng Child Poverty Action Group at paediatrics professor sa Auckland University.