Ni: Bella Gamotea

Arestado ang tatlong lalaki, kabilang ang dating barangay tanod, na naaktuhan umanong bumabatak ng shabu sa loob ng bahay sa Parañaque City, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Parañaque City Police chief Senior Supt. Jemar Modequillo ang mga suspek na sina Richard Herrera, dating barangay tanod; Gilbert Salazar at Oliver Delos Reyes, pawang nasa hustong gulang, ng Barangay Don Bosco.

Base sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad hinggil sa talamak na bentahan ng ilegal na droga sa bahay ni Herrera sa Santos Compound, Bgy. Don Bosco.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa pagsalakay ng awtoridad sa bahay ni Herrera, nabulaga at hindi na nakapalag ang tatlong suspek na naabutang bumabatak ng shabu.

Sa paggalugad sa lugar, narekober ang 20 pakete ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, ilang patalim at 15 cell phone.

Nakatakdang sampahan ang tatlong suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).