Ni: Bella Gamotea

Patuloy na beni beripika ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan ng mga Pilipino na naapektuhan ng sunog sa Grenfell Tower sa North Kensington, London sa United Kingdom (UK).

Ayon sa DFA, isang Pilipina na nagngangalang Ligaya Moore, 60, residente sa nasabing gusali, ang napaulat na nawawala.

Puspusan ang pakikipag-ugnayan ng Embahada ng Pilipinas sa mga awtoridad sa London at sa mga ospital doon upang alamin kung may iba pang Pilipino na nadamay sa sunog.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

“We have exerted all efforts to locate and identify Filipino victims of the fire by visiting rest centres, reception and drop-off points, and hospitals, and by engaging the Filipino community in an information gathering and sharing campaign,” pahayag ng embahada.

Hanggang ngayon ay hindi pa matiyak ng DFA ang bilang ng mga Pilipinong nadamay sa trahedya.