Ni: Leo P. Diaz

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Dalawang katao ang nasawi at anim na iba pa, kabilang ang isang pulis, ang nasugatan sa pagsasalpukan ng isang van at sang kotse sa kasagsagan ng malakas na ulan sa national road sa Barangay ECJ Montilla sa Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Huwebes ng hapon.

Nasawi sina Jaypee Auditor, nasa hustong gulang, may asawa, ng Bgy. Poblasyon 1, Surallah, South Cotabato; at Muslimen Acamad, nasa hustong gulang, may asawa, ng Cotabato City.

Sugatan naman ang mga pasahero ng van na sina SPO1 Abdulbasit Bansawan, 42, may asawa; Zaida Bansawan, 35, may asawa; Musi Bansawan, 7; Hasmin Bansawan, 6; Asley Bansawan, nasa hustong gulang, at pawang taga-Purok 9, Bgy. Poblasyon, Tacurong City.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kabilang din sa nasugatan si Aira Tolosa, nasa hustong gulang, residente ng General Santos City, driver ng Honda car (ABS-4289).

Ayon sa Tacurong City Police, sa pamumuno ni Senior Insp. Randy Apostol, galing sa Cotabato City ang Toyota van na minanameho ni Norodin Omar, nasa hustong gulang, ng Lambayong, habang patungo naman sa Isulan ang kotse nang magkasagian ang dalawang sasakyan na nauwi sa pagbangga ng van sa kotse.

Pansamantalang nakakulong si Omar.