Ni: Mina Navarro

Inalis na ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang moratorium sa deployment ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Qatar, matapos ang konsultasyon sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa rekomendasyon ng Philippine Overseas Labor Office (POLO).

“This decision was arrived at on the advice of Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano and upon the recommendation of Qatar POLO following their assessment of the situation in the Gulf state,” ayon kay Bello.

Aniya, normal ang sitwasyon sa Qatar at sa katunayan ay hiniling ni Labor Attaché David Des Dicang at ng Philippine Embassy na magpadala ng mga bagong manggagawa sa Qatar, partikular na sa Philippine School Doha (PSD) at sa Philippine International School-Qatar (PISQ).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nasa kabuuang 28 bagong guro at 20 bus driver ng PSD at 51 bagong guro ng PISQ ang may nakabimbing aplikasyon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).