Ni: Mary Ann Santiago

Nanindigan ang Department of Health (DoH) na delikado pa rin sa kalusugan ang paggamit ng vape at e-cigarette at dapat itong iwasan, sa pagdiriwang ng National No Smoking Month.

Ayon sa DOH, napag-alaman ng Food and Drug Administration (FDA) na naglalaman pa rin ng tabako ang vape at e-cigarettes, nangangahulugan na matatagpuan pa rin sa mga ito ang 7,000 delikadong kemikal na mayroon sa sigarilyo.

Nagbabala si Health Secretary Paulyn Jean Ubial na walang ‘safe level’ ang pagkalantad sa usok ng sigarilyo dahil kahit kaunti lamang nito ay delikado pa rin.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars