ANGEL AT TERI copy

Ni: REGGEE BONOAN

SI Teri Malvar ang batang gumanap na Anita sa Ang Huling Cha-Cha ni Anita na palabas na simula ngayong araw hanggang June 22 sa SM Cinemas habang ipinagdiriwang ang Cine Lokal sponsored ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Twelve years old pa lang si Teri nang gawin ang pelikula na naging usap-usapan noong 2013 at nag-uwi ng maraming karangalan mula sa CineFilipino Film Festival at sa iba pang award-giving bodies sa ibang bansa.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Gumanap si Teri bilang younger girl na nagkagusto kay Pilar (Angel Aquino) at curious kami kung paano siya napapayag at ang kanyang mga magulang na gawin ang napakasensitibong kuwentong ito.

“’Yung naging story po kasi, ‘yung mom ko, theater actress po siya, si Cherry Malvar po (napanood din sa mga pelikulang Honor Thy Father, Bakal Boys at I do Bidoo Bidoo Heto nAPO Sila, atbp.). Nu’ng ipinagbubuntis niya po ako, umalis na siya sa PETA. ‘Tapos nagpatuloy pa rin siya sa audition niya.

“Tapos nu’ng summer (2012), bored po ako, parang gusto ko lang po mag-join (sa mama niya). ‘Sakto po, ‘yung io-audition niya nu’ng time na ‘yun ay CineFilipino, so naghanap po siya ng babagay sa akin (role), ‘tapos sabi niya, ‘ay, ito dalawa, isa para sa Turkey (Ang Turkey ay Pabo Rin), ‘tapos itong Ang Huling Cha-Cha ni Anita.

“Ang tanong po sa akin sa Huling Cha-Cha ay kung willing to cut hair daw ako. ‘Yung lang po ‘yung worry ko that time, to cut my hair, kasi super duper haba po ng hair ko. So sabi ko, ayaw ko, but nagdalawang-isip po ako, sabi ko, sige na nga, sasama na lang ako sa board (meeting),” nakangiting kuwento ni Teri.

Nasubukan niyang pumila ng mahaba para sa audition at humarap sa panel of directors at isa na roon si Direk Sigrid Andrea Bernardo.

“’Tapos nu’ng pumunta na po kami sa panel of directors, naka-line up kami ni Mommy, magkasunod po kami sa pila, number 44 siya, 45 naman ako, then nu’ng tinanong ako ni Direk Sigrid kung willing akong i-cut ang hair ko, sabi ko, yes, ‘tapos tinanong ako kung willing ako to kiss a girl, sabi ko, ‘which body part?’. Nagtawanan po silang lahat, and then at that same day, na-call back po ako and I read almost all the lines and then ‘yung audition piece ko po sa for Huling Cha-Cha ni Anita, naging part siya ng script, ‘Yung scene na, ‘Pilar ang ganda-ganda mo’,” tuluy-tuloy na kuwento ng bagets.

Wala siyang malisya nang tanggapin ang karakter na Anita.

“Actually, nu’ng time na tinanggap ko ‘yung role, hindi po kami naging worried on what issue or kung ano ‘yung kuwento ng film, wala po talaga akong malice. Ang inisip ko lang po ‘yung hair and we were fine with that. And the kissing scene, I was also fine with it.

“But sa mismong takes na, I wasn’t, but all along it’s okay kasi I already knew about it na about LGBT (lesbian, gays, bisexual and transgender) and I was fine with it naman po. And this one open my eyes even more kasi siyempre not only because the film is about LGBT but the people all around me on the set were all LGBT community and they’re still the best people and passionate people I’ve met, so ‘yun po,”pagtatapat ng batang aktres.

“Sila po (magulang) very open, ngayon ko lang na-realize, super open, lalo na po si Daddy,” dagdag niya.

Grade 10 ngayon si Teri.

“May 11 and 12 pa ako. ‘Pag senior high po, gusto ko sa HUMSS (Humanitary Social Studies), nandoon din po ‘yung sa Film and Arts, kasi na–in love na po ako sa paggawa ng pelikula, so maybe writer or related po ang gusto ko,” say pa niya.