Ni: Rommel P. Tabbad
Muling humirit si dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa Sandiganbayan na mabisita ang maysakit na ama sa ospital.
Sa kanyang mosyon, umapela si Revilla sa korte na payagan siyang mabisita si dating senador Ramon Revilla, Sr. sa St. Lukes’ Medical Center, Taguig City.
Kapag pinagbigyan, ito na ang magiging pang-anim na pagbisita ni Revilla sa ama.
Nakakulong ngayon ang nakababatang Revilla sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sa kasong plunder at graft kaugnay sa pork barrel fund scam.