PIOLO copy

BILANG pagdiriwang sa Araw ng mga Ama, bibigyang-buhay ni Piolo Pascual sa Maalaala Mo Kaya ang nakaaantig na kuwento ng isang ulirang amang nag-viral sa Facebook nang may nag-post ng kanyang larawan na pinapanood na kumain ang mga anak sa isang fastfood chain.

Lingid sa kaalaman ng marami, mabigat ang pinagdadaanan sa buhay ni Tatay Ryan (Piolo), isang masipag at mapagmahal na ama na gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Sa kasamaang-palad siya ay na-stroke na naging sanhi ng pagkaparalisa ng kalahati ng kanyang katawan at nakaapekto rin pati sa kanyang pagsasalita. Kaya tila naglaho nang parang bula ang mga pangarap ni Ryan para sa pamilya.

Noong una ay inasikaso at inunawa pa siya ng kanyang asawang si Rosalyn (Isabelle Daza), pero iniwan din siya nito kalaunan at sumama sa ibang lalaki.

Trending

Netizen na siningil ng manliligaw sa ₱7k bill ng date nila, sinabihang 'PG' at 'mapagsamantala'

Ano ang naghihintay kay Ryan at sa kanyang mga anak? Paano niya bubuhayin ang pamilya at tutulungan ang sarili para gumaling?

Makakasama sa episode, na mapapanood na bukas, sina Lito Pimentel, Encar Benedicto, Xia Vigor, Ynna Asistio, Myel de Leon, at Maika Rivera mula sa panulat nina Akeem del Rosario at Arah Badayos at sa direksiyon ni Dado Lumibao.