GUMAWA ng malaking play sa krusyal na sandali si Rod Ebondo para sandigan ang Centro Escolar University sa pahirapang 72-70 panalo kontra Batangas kahapon sa PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naisalpak ni Ebondo ang putback mula sa sariling mintis na tira para ibigay sa Scorpions ang 71-70 bentahe may 18.1 segundo ang nalalabi. Sa depensa, napigilan ng Congolese slotman ang tira ni Joseph Sedurifa para sa panalo.

Naibuslo ni Jordan Intic ang isang free throws para sa final score.

Tumipa si Ebondo ng 26 puntos para sa unang panalo ng CEU sa tatlong laro.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Iskor:

CEU 72 - Ebondo 26, Uri 10, Wamar 9, Aquino 8, Intic 6, Casiño 4, Jeruta 3, Arim 2, Cruz 2, Manlangit 2, Guinitaran 0.

Batangas 70 - Ablaza 16, Saitanan 12, Sedurifa 9, Bautista 8, De Joya 8, Dela Peña 7, Isit 4, Laude 4, Ragasa 2, Anderson 0, Mag-isa 0, Mendoza 0.

Quarterscores: 23-13; 37-33; 56-50; 72-70.