Ni: Jun N. Aguirre

KALIBO, Aklan - Inihayag ng Aklan Police Provincial Office (APPO) na nakikipag-ugnayan sa awtoridad ang isang pamilya ng mga Maute na nasa isla ng Boracay sa bayan ng Malay.

Ayon kay SPO1 Nida Gregas, tagapagsalita ng APPO, isinailalim sa profiling ang pamilya ng Maute sa Boracay. Batay sa report, walong taon nang naninirahan sa isla ang pamilyang Maute bilang negosyante.

Ilang pamilya ng Maute sa Mindanao at sa Metro Manila ang una nang pinuntahan ng Philippine National Police (PNP) upang malaman kung may kaugnayan ang mga ito sa terorismo sa Marawi City, Lanao del Sur.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan

Samantala, sinabi rin ni Gregas na may apat na pamilyang galing sa Marawi ang dumating sa Aklan nitong May 28.

Kasalukuyang binibigyan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng paunang ayuda ang nasabing mga pamilya.