INDIANAPOLIS (AP) — Mabilis na binuhusan ni Paul George ng malamig na tubig ang alingasgas na lilisanin niya ang Indiana Pacers sa pagtatapos ng 2018 season.

Ngunit, kung may pagbabago sa panahon ng kanyang pagiging ‘free agent’ – posibleng iba na ang usapin.

Sinabi ng four-time All-Star forward na sa kasalukuyan, wala siyang plano kung hindi gabayan ang Pacers sa playoff sa susunod na season.

“I am a Pacer. I am under contract and I intend to play,” pahayag ni George.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tila nakahinga ng maluwag ang mga tagahanga sa sinabi ni George. Ngunit, papano na kung tapos na ang kanyang kontrata?

Ang katotohanan na bumabalot ay ang isyu kung palalagdain ng Indiana si George nang maximum deal sa pagtatapos ng 2018 contract sa Hulyo.

Tangan niya ang averaged 18.1 puntos at 6.3 rebound sa nakalipas na pitong season at ipinapalagay na isa sa pinakamahusay na two-way player sa NBA.

Sa kabila ng tinamong injury sa binti noong 2014, higit na tumaas ang kanyang marka. Sa pagtatapos ng season, naitala niya ang averaged 23.1 puntos at 7.0 rebound.

Sa kabila nito, sentro ng usapin ang posibilidad na lumipat ng koponan ang 27-anyos na si George na matagal nang nililigawan ng Los Angeles at ngayon ay nasasabit ang kanyang pangalan para sa pagpapalakas ng Cleveland.

Nitong Pebrero sa pagtatapos ng trade deadline, naging usapan ang paglipat niya sa Boston o Atlanta. Kamakailan, kumalat ang balita na iti-trade sita sa Cleveland kapalit ni Kevin Love, gayundin ang tarde sa Boston Celtics kapalit ng kanilang top pick sa susunod na drafting. Kumalat din ang posibilidad na magsama sina George at LeBron James sa Lakers.