Ni: Chito A. Chavez

Tinawag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang atensiyon ng local government units (LGU) upang paghandaan ang La Niña phenomenon.

Sa Seasonal Climate Outlook, inaantabayanan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang namumuong La Niña.

Sa isang memorandum circular, hinikayat ni DILG officer-in-charge (OIC) Catalino S. Cuy ang mga provincial governor, city/municipal mayor, at barangay chairman na makipagtulungan sa kani-kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCs) at magsagawa ng pre-disaster risk assessment lalo na sa flood-prone at landslide-risk areas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inatasan ni Cuy ang local chief executives (LCEs) na paghandaan o pag-aralan ang kanilang La Niña action plans o Oplan Tag-ulan Plans.