Ni: Dave M. Veridiano, E.E.

HALOS tatlong linggo na nating sinusubaybayan ang bakbakan sa Marawi City sa mga pahayagan, radyo, telebisyon at lalo na sa social media kaya alam kong pare-pareho tayong sabik sa mga impormasyong kung tawagin naming mga nasa media ay “inside stories” – mga pangyayaring may kaugnayan sa nangyari o kaya ay mga kasamahan ng mga pangunahing tauhan sa kuwento.

Gusto ninyo ng sample ng inside story? – Sumipi ako ng ilang talata sa isang artikulong aking nabasa na punung-puno ng aksiyon hinggil sa labanang nagaganap hanggang ngayon sa Marawi City. Ang mga kuwento rito ay personal na isinalaysay ng mga sundalong nakasama sa unang sagupaan pa lang nang sumiklab ang putukan sa pagitan ng mga puwersa ng pamahalaan at ng mga bandidong grupo.

Isinabay sa nakaraang Independence Day ang paglabas ng maaaksiyon at puno ng dramang artikulong ito sa blog site ni Maj. Harold M. Cabunoc, isang aktibong Army Scout Ranger at marksmanship instructor, na pinamagatan niyang “Ranger Cabunzky’s Blog – Mga Istorya ng Sundalo ng Bayan.” Kuwento ito ng mga miyembro ng Philippine Army (PA) na naipit sa kanilang misyon nang saklolohan ang isa nilang kasamahan na malubhang nasugatan sa pakikipagbarilan sa mga bandido at teroristang Maute na nakapaligid sa kanila…bahagi ito ng kuwento:

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Itinuloy nila ang pag-advance pagkatapos malampasan ang stronghold ng kalaban hanggang may nakita silang nakahambalang na truck sa kalsada. Ang problema, sinalubong sila ng mga bala. Binagbagan kaagad ng kanyang gunner ang puwesto ng mga armadong grupo kaya napasigaw si Lt. Alvarez: “Cease fire! Mga kasama natin iyan.”

Si Sgt. Wagoy na siyang driver at nakakikita sa hitsura ng nailawan na mga armado ay sigurado na terorista talaga ang um-ambush sa kanila: “Kalaban na talaga ito, sir! Cpl. Lumbay, continue firing!”

‘Di nagtagal sa kanilang pakikipagpalitan ng putok ay niyanig ng pagsabog ang Commando vehicle. Tinamaan sila ng Rocket-propelled grenade: “May tama ako sir!”

Ilang talata pa lamang ng isa pang artikulo ang nabasa ko ngunit ramdam na ramdam ko na agad ang animo’y nagsasalimbayang bala na parang dumadaplis sa aking ulo. Ito naman ay pinamagatang, “Walang Iwanan hanggang kamatayan: Ang mandirigma ng 5th Mechanized Infantry Battalion” – binubuo ng dalawang bahagi hinggil sa kabayanihan ng mga sundalong pinamumunuan ni Army 1Lt Jerry Alvarez, na buong tapang na sumugod sa kuta ng mga teroristang armado ng matataas na kalibre ng baril, upang saklolohan ang mga sugatang kasamahan na ‘di makalabas sa kinaiipitang lugar.

Inisa-isa ko ang napakahabang... reaksiyon ng mga nakabasa sa mga kuwentong ito at kung ang pagbabatayan ay ang mga komentong ito, ‘di mapapasubaliang nabihag na ng magigiting nating sundalo ang paggalang, simpatiya, paghanga at pagmamahal ng ating mga kababayang matiyagang sumusubaybay sa giyerang kasalukuyang nagaganap sa Mindanao.

Ang naturang labanan ay papasok na ngayon sa ikaapat na linggo at nakapagtala na ng malaking bilang ng napatay at nasugatan sa magkabilang panig, pati na sa mga sibilyang nadamay sa sagupaan nang gamitin silang “human shield” ng mga terorista upang hindi sila basta-basta mapasok ng mga kawal ng pamahalaan.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected]