Ni: Reuters Health

MAGING ang pag-inom ng kaunting alak o pagtikim lamang nito habang nagbubuntis ay maaaring magdulot ng slight facial abnormalities sa mga bata, ipinahihiwatig sa isang bagong pag-aaral.

Nang suriin ng mga mananaliksik ang data mula sa facial images ng 415 bata na pawang isang taong gulang, nakita nila ang bahagyang pagbabago sa mukha ng mga sanggol at karamihan ay sa ilong, mata at bibig na iniugnay sa halos lahat ng antas ng alcohol exposure kahit ang pag-inom ng alak ay nangyari lamang sa first trimester o sa kabuuan ng pagbubuntis.

“We are surprised to see these differences in facial shape with low doses of alcohol exposure, which in our study was defined as two standard drinks on any one occasion and no more than seven in a week,” sabi ng lead study author na si Evelyne Muggli ng Murdoch Children’s Research Institute and the University of Melbourne sa Australia.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“This means that any level of alcohol contributes to the way the face is formed and raises questions about the possible impact on brain development, which is the subject of further research,” ani Muggli sa email.

Ang facial changes na natuklasan sa pag-aaral ay halos hindi makikita ng mata, ani Muggli. Makikita lamang ito gamit ang sophisticated three-dimensional facial shape analysis, at hindi nangangangahulugan na napinsala ang mga hindi pa naisisilang na sanggol kung ang kanilang ina ay uminom ng alak habang nagbubuntis, ani Muggli.

Ngunit ang mga pagbabagong nakita ng pag-aaral sa gitna ng mukha at ilong na nakita sa alcohol exposure sa panahon ng pagbubuntis ay katulad ng mga anomalyang iniuugnay sa fetal alcohol spectrum disorder, iniulat ng researchers sa JAMA Pediatrics.

Mas kapansin-pansin ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga batang walang exposure sa alcohol sa utero at mga batang may low exposure sa first trimester, partikular sa forehead, natuklasan sa pag-aaral.

Kumpara sa mga batang hindi exposed sa anumang alcohol habang ipinagbubuntis ng kanilang ina, ang mga batang may katamtaman hanggang mataas na exposure sa first trimester ay may pagkakaiba sa mga mata, mid-face at chin. Nakita rin ang mga pagbabago sa baba sa binge drinking sa first trimester

Nalilimitahan ang fetal alcohol exposure sa first trimester dahil karamihan sa mga ina ay tumitigil sa pag-inom ng alak, saad ni Carol Bower ng University of Western Australia sa kasamang editorial.

Isa sa 20 bata ang maaaring maapektuhan ng fetal alcohol spectrum disorder (FASD), na maaaring mauwi sa cognitive impairment kabilang ang irreversible brain damage.

Ang mga batang exposed sa alcohol habang nasa sinapupunan ay maaaring magkaroon ng learning challenges gaya ng deficits sa memory o pagsasalita gayundin ang problema sa pag-uugali tulad ng hyperactivity.

Pinalalakas ng tuklas na ito ang dumaraming ebidensiya na may epekto sa pagdedebelop ng sanggol maging ang napakababang antas ng pag-inom ng alak habang nagbubuntis, sinabi ni Heather Carmichael Olson, ng University of Washington School of Medicine.

“It is a substance that can change fetal development, and can be associated with lifelong changes in learning and behavior,” ani Carmichael Olson, na hindi kasama sa pag-aaral, sinabi sa email.

“If any amount of prenatal alcohol exposure can lead to physical changes in fetal development, as the current study suggests, so that it’s not just high doses or long-term drinking that have measurable effects, the safest advice that providers can give is that women who want a healthy pregnancy should avoid this biological risk factor if they are considering pregnancy or are pregnant,” dagdag ni Carmichael Olson.