Ni: Rommel P. Tabbad
Sampung taon na pagkakakulong ang ipinataw ng Sandiganbayan laban sa isang dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) dahil sa maanomalyang pagbili ng lupain noong 2001.
Napatunayang nagkasala si Dionisio Coloma, Jr., dating deputy director ng Phil. National Training Institute ng Philippine Public Safety College, ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft And Corrupt Practices Act, kaugnay sa pagbili ng isang ektaryang lupain sa Bongao, Tawi-Tawi na nagkakahalaga ng P1.5 milyon para pagtayuan ng isang training school.
Kinuwestiyon ng Commission on Audit ang kawalan ng papeles ng proyekto at overpriced din ang lupa.