PHILIPPINES-UNREST-MILITARY-CONFLICT

Ni: AP at Francis T. Wakefield

Maayos ang lagay ng isang mamamahayag na Australian matapos siyang tamaan sa leeg ng ligaw na bala habang nagko-cover sa bakbakan sa Marawi City.

Sa isang tweeted video, makikita ang ABC journalist na si Adam Harvey na nakasuot ng neck brace habang nagsusuot ng helmet makaraang gamutin. Sinabi niya sa mga kapwa mamamahayag na maayos ang kanyang pakiramdam, at sasailalim siya sa X-ray.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Sa imahe ng X-ray, makikita pa ang bala sa gitna ng leeg ni Harvey, na ayon sa mga ulat ay delikado umanong alisin dahil malapit ito sa spine ng mamamahayag.

“Thanks everyone — I’m okay. Bullet is still in my neck, but it missed everything important,” tweet ni Harvey.

Ayon kay Dr. Jose Eric Laya, pumasok ang bala sa ilalim ng kaliwang tenga ni Harvey.

Kasabay nito, kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines-Public Affairs Office (AFP-PAO) chief Marine Colonel Edgard Arevalo na nabawi na ng militar ang walong matataas na gusali na matagal nang pinupuwestuhan ng mga sniper ng Maute.

“We are nearing its ending, meaning we are nearing the conclusion. We are in the final stage of our operation sa Marawi,” sabi ni Arevalo.

“Napakahirap ng ating challenge na hinaharap [pero sa kabila nito] masaya tayo sapagkat naka-recover tayo ng walong buildings na dating in-occupy ng Maute,” ani Arevalo.