Ni: Agence France-Presse
ANG anti-diabetic drug na nagpapababa ng blood sugar levels ng taong mayroong type 2 diabetes ay nakababawas din ng panganib ng cardiovascular at kidney disease, ayon sa pag-aaral na inilabas nitong Lunes.
Ang findings, inilathala sa New England Journal of Medicine, ay lumabas sa clinical trial ng mahigit 10,000 pasyente sa 30 bansa, gamit ang canagliflozin.
Natuklasan dito na nababawasan ng droga ang pangkalahatang panganib ng cardiovascular disease ng 14 porsiyento at nabawasan din ang panganib ng heart failure hospitalization ng 33%. Nagpakita din ito ng malaking epekto – 40% mas mababa -- sa paglala ng seryosong paghina ng kidney.
Ang George Institute for Global Health study ay may malaking implikasyon para sa paggamot sa type 2 diabetes, na nakaapekto sa halos 450 milyong katao sa buong mundo, ayon sa mga may-akda.
“Coronary heart disease is the biggest killer by far for people with type 2 diabetes. Our findings suggest not only does canagliflozin significantly reduce the risk of heart disease, it also has many other benefits too,” sabi ni Bruce Neal, na kasama sa grupo.
“We found it also reduced blood pressure and led to weight loss.
“Type 2 diabetes is growing rapidly all over the world and we need drugs that not only deal with glucose levels, but also protect many millions of people from the very real risks of stroke and heart attack.”
Ang pag-aaral ay iprinisinta sa American Diabetes Association Conference sa San Diego.
Binanggit na ang findings ay partikular na relevant sa Australia kung saan 65 porsiyento ng mga namatay sa sakit sa puso ay nangyari sa mga taong may diabetes o pre-diabetes, at ang diabetes din ang nangungunang sanhi ng end-stage kidney disease.
“Both patients and physicians should be tremendously reassured by the results,” sabi ng co-author na si Vlado Perkovic, executive director ng The George Institute Australia.
“It not only reduces the risk of heart disease, it also provides real protection against kidney decline, which affects many people with diabetes.”
Gayunman, may masama ring epekto ang paggamit ng sakit dahil dinodoble nito ang panganib ng amputation o paputol sa mga daliri sa paa, binti o leeg.
Ang diabetes ay maaaring magdulot ng pagkipot ng blood vessels sa tuhod at mga daliri sa paa, na nagdudlot ng pagbaba ng oxygen circulation na pumipigil sa paghilom ng mga sugat.
Hinaharang ng canagliflozin ang muling pagsipsip ng katawan sa sugar o glucose. Nagreresulta ito sa mas maraming glucose na inilabas sa ihi at pagbaba ng glucose levels. Karamihan ng iba pang gamot sa diabete ay inaayos ang insulin levels.