Aiko-Melendez copy copy

Ni: REGGEE BONOAN

BILANG lang sa mga daliri namin ang mga pelikulang pumasa sa panlasa ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors) at naging nominado sa una nilang Eddys Awards na gaganapin sa Hulyo 9 sa Kia Theater, 7 PM.

Kaya masuwerte si Aiko Melendez, nominado siya sa kategoryang Best Supporting Actress para sa pelikulang Barcelona nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na ipinalabas ng Star Cinema noong Setyembre 2016.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Mahusay naman talaga ang pagkakaganap ni Aiko bilang tiyahin na tumulong kay Daniel, na nominado rin sa Eddys for Best Actor, para magkaroon ng trabaho at matutuluyan sa Barcelona, Spain.

“God is good po,” napakasayang reaksiyon ni Aiko nang ibalita sa kanya ang nominasyon niya. “The last two years of my life wasn’t so good po, heto na, bumabalik na po lahat ng dasal and paghihintay ko po dumating na po sa tamang panahon.

“Siyempre mas ganado po akong magtrabaho lalo kapag may mga ganito and mas pagbutihin ko pa po.

“I’ve been really blessed. It pays to really pray, and it pays to be patient. I’m happy sa mga blessing na dumarating sa akin. Thankful ako kay Lord at sana hindi magsawa si Lord sa kabe-bless po sa akin,” sabi ng aktres.

Bongga nga ang takbo ng career ngayon ni Aiko dahil bukod sa abala siya sa paggawa ng pelikula ay may regular show siyang Wildflower ni Maja Salvador na na-extend pa dahil sa taas ng ratings.

Ang isa sa mga pelikulang natapos nang gawin ng aktres ay ang indie film na New Generation Heroes na idinirihe ni Anthony Hernandez unde Golden Tiger Films ni Gino Hernandez.

”Ang character ko rito ay nakipagsapalaran sa abroad para sa kapakanan ng kanyang pamilya,” kuwento ni Aiko. “New Generation Heroes kasi po story ng teacher ito na nag-work sa Korea, akala ng mga tao na porke’t abroad ang work ng teacher ay mayaman at masarap ang buhay, dito ipinakita iyong hirap also nila.

“Ang movie na ito ay gift namin sa mga guro na walang sawang nagpapakita ng pagmamahal sa mga students nila na hindi naman nila talaga kaanu-ano. Pero iyong love na ibinibigay nila sa mga students nila, parang isang magulang na rin sila.”

Kasama ni Aiko sa pelikula sina Jao Mapa, Ms. Anita Linda, model/fashion and jewellery designer na si Joyce Peñas, Gloria Sevilla, Dexter Doria, Debraliz Valasote, at iba pa.

Mapapanood ang New Generation Heroes sa Setyembre ngayong taon.