Ni: Mary Ann Santiago

Isinasailalim sa safety check ang mga tren ng Metro Rail Transit (MRT-3) matapos makarinig ng kakaibang tunog mula sa isa sa mga bagon nito.

Ayon kay MRT-3 spokesman Mike Tezon, sinimulan ang pagsusuri dakong 2:00 ng hapon nitong Miyerkules at magtatagal hanggang sa Linggo.

Bunga ng safety check, pansamantalang 15 tren ang bibiyahe kada araw at babawasan rin ang bilis ng takbo ng mga ito sa 20 kilometer per hour mula sa dating 40-60 kph, kaya’t inaasahan na muling hahaba ang pila ng mga pasahero sa MRT.

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

“To ensure the safety, i-check na lang natin lahat. We expect long queuing hours and more traffic. Again we appeal to the riding public of their understanding,” ani Tezon.