Kabilang na ang Pilipinas sa 10 bansang ikinukonsiderang pinakamapanganib para sa mga trade unionist, ayon sa International Trade Union Congress (ITUC).

Kasama ng Pilipinas ang Qatar, United Arab Emirates, Egypt, Columbia, Kazakhstan, Republic of Korea, Guatamela, Turkey at Bangladesh sa listahan ng ITUC ng mga bansang mapanganib para sa mga manggagawa ngayong 2017.

Sa 104 na pahinang 2017 Global Rights Index report, sinabi ng ITUC na nakasama sa listahan ang Pilipinas dahil sa pagdami ng manggagawa na napatay noong 2016 dahil sa trade union activity, at ang pagkabigo ng pamahalaan na bigyang-pansin ito.

Partikular nitong kinondena ang pagpatay kay Orlando Abangan, organizer ng trade union na Sentro, at kay Edilberto Miralles, dating presidente ng R&E Taxi Transport union, noong nakaraang taon. (Samuel Medenilla)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists