Ni: Chito A. Chavez

Sa pagsasanib-puwersa ng anti-illegal drug operatives, nakumpiska ang 72 kilo ng shabu, na nagkakahalaga ng P360 milyon at itinago sa styrofoam na naglalaman ng dried fish, sa isang warehouse sa Las Piñas City kamakalawa.

Sa tulong ng drug-sniffing canines, nadiskubre ang nasabing droga ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNPDEG) sa ikalawang palapag ng warehouse sa Tionquiao Street, Martinville Subdivision, Barangay Manuyo.

Sa ikatlong palapag ng gusali, nadiskubre ng raiding team ang mga makina kung saan itinatago ang mga droga at ilegal na ipinapadala sa bansa.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Gayunman, walang tao sa lugar nang isagawa ang pagsalakay.

Mahigpit ngayong inaantabayanan ng PDEA at ng police authorities ang mga terminal sa lugar sa paghihinalang ang ilegal na droga ay ipinadala mula sa Visayas at Mindanao.

Noong nakaraang taon, inaresto ng PDEA agents ang tatlong Taiwanese sa isang lihim na drug laboratory sa Las Piñas at Parañaque kung saan nasamsam ang mahigit P1.4 bilyon halaga ng shabu, kemikal at laboratory equipment.

Sa nasabing operasyon, kinilala ni PDEA-NCR Director Wilkins Villanueva ang tatlong suspek na sina Shi Ming Tsai, Kuo Chuan Cheng at Chun Ming Lin.