Ni: Mary Ann Santiago

Hawak na ng awtoridad ang isang welder na wanted sa kasong pagpatay at itinuturing na No. 1 most wanted sa Binondo, Maynila, matapos madakma sa operasyon sa Caloocan City kamakalawa.

Bitbit ang warrant of arrest, agad inaresto si Julito Pinca, alyas Boylet, 23, ng 126 General Concepcion Street, sa Caloocan City.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Amante Daro, station commander ng MPD-Station 11, inaresto ang suspek sa loob ng kanyang tinutuluyan, bandang 2:50 ng hapon.

National

Paalala ni Pangilinan sa mga senador tungkol sa impeachment: 'Trial hindi dismissal!'

Una rito, nakatanggap ng tip ang awtoridad na nakatira at nagtatrabaho ang suspek sa naturang lugar kaya agad ikinasa ang operasyon at inaresto.

Si Pinca, na miyembro umano ng 13 Family Gangster, ang isa sa mga itinuturong bumaril at pumatay kay alyas Bunso Relucio, 17, miyembro ng Samahang Binondo Town gangster, sa gang war sa Gate 56, Parola Compound, sa Binondo noong Enero 1, 2016.