Ni: PNA

ISA sa bawat sampung Pilipino na edad anim hanggang 24 ang Out of School Child and Youth (OSCY), ayon sa 2016 Annual Poverty Indicators Survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority.

Ayon sa 2016 Annual Poverty Indicators Survey, ang bansa ay mayrong 3.8 milyong bata at kabataan na hindi nag-aaral, o nasa 10 porsiyento ng 39 na milyong Pilipino na edad anim hanggang 24.

Batay sa report ng Annual Poverty Indicators Survey, sa kabuuang bilang ng OSCY, 87.3 porsiyento sa mga ito ang anim hanggang 24 na taong gulang, 7.7 porsiyento ang 12-15 taong gulang, at 5.0 porsiyento ang anim hanggang 11 taong gulang.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang dami ng OSCY ay mas mataas sa hanay ng kababaihan kumpara sa kalalakihan, ayon sa Annual Poverty Indicators Survey.

Ang OSCY ay tumutukoy sa mga miyembro ng pamilya na edad anim hanggang 14 na hindi pumapasok sa isang pormal na eskuwelahan; at mga kasapi ng pamilya na edad 15-24 na kasalukuyang hindi nag-aaral, hindi rin nagtatrabaho, at hindi nakatapos ng kolehiyo o anumang kurso matapos mag-aral sa sekundarya.

Ayon sa Annual Poverty Indicators Survey, ang pinakakaraniwang dahilan ng OSCY sa pagtigil sa pag-aaral ay ang pag-aasawa o problema sa pamilya (42.3 porsiyento), malaking gastos sa edukasyon o suliraning pinansiyal (20.2 porsiyento), at kawalan ng personal na interes na ipagpatuloy pa ang pag-aaral (19.7 porsiyento).

Sa kababaihan, ang pag-aasawa o problema sa pamilya ang pangunahing dahilan sa paghinto o hindi na pag-aaral sa naitalang 59.3 porsiyento; habang kawalan ng personal na interes naman ang pangunahing katwiran ng kalalakihan sa 36.5 porsiyento.

Sa buong bansa, nasa 53 porsiyento ng OSCY ay mula sa mga pamilyang kumikita sa kulelat na 30 porsiyento, batay sa kanilang per capita income.

Ang Annual Poverty Indicators Survey ay isang malawakang survey na naglalahad ng mga datos tungkol sa socioeconomic profile ng mga pamilyang Pilipino, at iba pang impormasyon na may kaugnayan sa uri ng kanilang pamumuhay. Layunin nitong magbigay ng ideya sa pagbuo ng osang integrated poverty indicator at monitoring system sa bansa.

Saklaw ng 2016 Annual Poverty Indicators Survey ang nasa 11,000 sample household.