Ni: Rommel P. Tabbad

Sinuspinde ng anim na buwan ng Office of the Ombudsman si Kalinga Gov. Jocel Baac dahil sa panununtok nito sa provincial board secretary noong 2015.

Ang suspension order ay isinilbi ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Cordillera alinsunod na rin sa kautusan ng Ombudsman.

Nag-ugat ang kasong administratibo ni Baac nang sapakin nito si Secretary Matthew Matbagan makaraang mawalan ng kontrol sa sarili sa gitna ng mainit na usapin sa isang board resolution na nagpapasara sa ospital sa Kalinga.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Kaugnay nito, magsisilbing interim governor si Vice Gov. James Edduba, habang tatayong vice governor naman si Atty. Shirlynne Alunday.

Nilinaw ng Ombudsman na sinuspinde muna nito si Baac sa kasong abuse of authority at conduct unbecoming of an official hanggang hindi pa nadedesisyunan ang nabanggit na kaso.