Ni: Mars W. Mosqueda, Jr.

LAPU-LAPU CITY, Cebu – Kinasuhan ng parricide si Bohol Provincial Board Member Niño Rey Boniel at walong iba pa kaugnay ng pagkamatay ng asawa ng opisyal, ang alkalde ng bayan ng Bien Unido na si Gisela Boniel.

Gumamit kahapon ang mga tauhan ng Philippine Navy ng Sonar Sight Scanner upang hanapin ang bangkay ng mayor, na itinapon umano sa karagatan ng Caubian Island. Kahapon ang ikapitong araw ng search at retrieval operation ngunit bigo pa rin ang mga diver na matagpuan ang labi ni Gisela.

Ang sonar ay ang paggamit ng tunog sa pagtukoy sa mga bagay na nasa kailaliman ng dagat, gaya ng barko.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Martes ng hapon nang inihain ng kasong parricide laban kay Boniel, sa pinsan niyang si Riolito Boniel; kina Randel Lupas; Willy Hoylar; Restituto Magoncia, Jr.; Lubo Boniel; Allan Delos Reyes, Jr.; Wilson Revilles Hoylar; and Brian Boniel Saycon.

Ayon kay Senior Supt. Jonathan Cabal, hepe ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office (PRO)-7, bagamat si Boniel ang pangunahing suspek, nakipagsabwatan naman sa kanya ang walong nabanggit kaya kinasuhan din sila.

Nagpakasal sina Niño at Gisela limang taon na ang nakalipas at mayroon silang apat na taong gulang na anak na lalaki.