Ni: Liezle Basa Iñigo

Napariwara ang isang Grade 4 pupil nang pumayag siyang ibili ng sigarilyo ang isang kapitbahay na sumunod pala sa kanya para gahasain siya sa Cabarroguis, Quirino.

Sinamahan ng kanyang magulang ang siyam na taong gulang na babaeng biktima, taga-Barangay Eden, Cabarroguis, upang ireklamo ang suspek na si Mac Mac Tabayuyung.

Sa salaysay ng biktima, inutusan siya ni Tabayuyung na bumili ng sigarilyo pero sinundan siya nito, hinila sa isang bakanteng lote at doon ginahasa dakong 10:00 ng umaga nitong Lunes.

Probinsya

Labi ng dalagang inanod ng baha noong bagyong Kristine, natagpuan sa isang creek

Pinaghahanap na ngayon ang suspek na kakasuhan ng rape na may paglabag sa Anti-Child Abuse Law (RA 7610).