PINASINAYAAN ng Sony ang bagong Spider-man game para sa Playstation video console nito sa Electronic Entertainment Expo (E3) sa Los Angeles nitong Lunes.
Ang Spider-man, nakatakdang ilabas sa 2018, ay dinedebelop ng Insomniac Games, ang grupong nasa likod ng PlayStation offerings gaya ng Resistance at Ratchet & Clank.
“The future is here and it’s now with PlayStation 4 Pro and PS VR,” sabi ni Shawn Layden, president at CEO ng Sony Interactive Entertainment America, sa pagpapasinaya niya sa larong Spider-man.
Virtual reality (VR) ang bagong battleground sa gaming world at nililigawan ng developers ang mga tagahanga sa immersive headsets at accessories.
Inihayag din ng Sony sa E3 na ang cult game na Shadow of the Colossus ay magkakaroon ng high-definition remake para sa PlayStation 4. Ang larong ito at ang susunod na God of War edition ay ipapalabas sa susunod na taon.