NANG minsang mag-audition si Alison Brie para sa HBO TV show na Entourage ay pinag-topless siya.

Sumikat ang aktres sa mga papel na ginampanan niya sa TV shows na Community at Mad Men, at kasalukuyang kinukunan sa Netflix show na GLOW (Gorgeous Ladies of Wrestling) na tungkol sa women’s wrestling syndicated TV series na nagsimula noong ‘80s.

Nang talakayin ang stereotypical attitudes sa kababaihang propesyunal noong ‘80s, inamin ni Alison na humarap siya sa naturang sexist views, lalo na noong nagsisimula pa lamang siya sa Hollywood.

“The audition process has not changed that much,” aniya sa ATX Television Festival sa Austin, Texas nitong Linggo, ayon sa Entertainment Weekly. “Early in my career, I auditioned for three lines on an episode of Entourage that I had to go on in a bikini! Or like shorts and the tiniest shorts. And they were like, ‘Okay, can you take your top off now?’”

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Ang Entourage, pinagbibidahan nina Adrian Grenier, Kevin Connolly at Kevin Dillon, ay tumagal ng walong season simula 2004 hanggang 2011. Tinatalakay nito ang tema ng pagkakaibigan ng kalalakihan at real-life situations sa Hollywood, at ang premise ay ibinatay sa mga karanasan ni Mark Wahlberg noong nagsisimula pa lamang ito industriya.

Wala pang komento ang HBO tungkol sa mga alegasyon ni Alison. Ngunit sinabi ng 34-anyos na hindi lamang ito ang nag-iisang TV na may isyu sa gender equality, at sa kabuuan ay walang ganong magagandang papel para sa kababaihan ng Hollywood.

“I’ve gone through auditions for Marvel movies and auditioned a million times for roles with three lines and you are begging for them,” pagbabahagi niya. “And I’d be glad to get them! It’s brutal, it just is.”

Kasunod ng kuwento ni Alison, nagpaskil ng komento sa Twitter si GLOW casting director Jennifer Euston kaugnay sa rebelasyon ng bituin.

“(It) makes me sick there are producers who abuse their power & if there was a Casting Director present, they did nothing? Inexcusable,” isinulat niya.

Ang GLOW, nilikha nina Liz Flahive at Carly Mensch, ay magsisimulang mapapanood sa Hunyo 23. (Cover Media)