Ni: Joseph Jubelag

ISULAN, Sultan Kudarat – Magkakaloob ang pamahalaang panglalawigan ng Sultan Kudarat ng trabaho at tulong pangkabuhayan sa anim na miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko kay Gov. Pax Mangudadatu nitong Martes.

Ayon kay Mangudadatu, nagpasyang sumuko ang mga rebelde, kabilang ang isang amasona, sa pamamagitan ni Esperanza Mayor Helen Latog at ni Col. Besmark Soliba, commander ng 1st Mechanized Brigade ng Army.

Probinsya

Rider na humarang sa nagmamadaling truck ng bumbero, buminggo sa LTO

Nagbigay ang gobernador ng P20,000 ayudang pinansiyal sa bawat isa sa mga sumuko kapalit ng mga isinuko nitong M-16 armalite, M-203 grenade launcher, 12-gauge shotgun, isang .45 caliber pistol, at isang .22 caliber pistol.