Ni: Ellson A. Quismorio

Sinabi ni Bureau of Fire Protection (BFP) chief, Fire Director Bobby Baruelo kahapon na halos limang minuto lamang ang inabot bago namatay ang 37 bisita at empleyado ng Resorts World Manila (RWM) sa arson attack ng suspek na si Jessie Carlos.

Binigyang-diin ng opisyal ng BFP sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Kamara sa insidente, na isang minuto lamang ang layo ng mga fire exit na maaari sanang makasagip sa buhay ng mga biktima.

“The location of the victims is quite near to the available exits based on CCTV (closed-circuit television) footages.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

We had a walkthrough in the area and the room where the bodies were found. There were two available exits near them,” ani Baruelo.

Ayon sa BFP chief madali sanang nakaligtas ang mga biktima kung hinanap nila ang fire exit. “You can reach the exits in less than one minute,” ani Baruelo.

Bago ang madaling araw ng Hunyo 2, pumasok si Carlos sa high-end hotel-casino para magnakaw ng pera. Armado siya ng M-14 carbine rifle. Una niyang sinilaban ang mga mesa at slot machine sa ikalawang palapag ng gaming area.

Ilang dosenang bangkay ang kalaunan ay nagtapuan sa VIP room sa nasabing palapag.

“It only takes two to three minutes for a person to become unconscious,” paliwanag ni Baruelo sa mga kinatawan ng Kamara sa interpelasyon ni Zamboanga City 1st district Rep. Celso Lobregat.

Ayon kay Baruelo, ang nakalalasong usok na nagtataglay ng carbon monoxide at hydrogen cyanide ay nagmula sa mga nasunog na gamit sa casino.

“With continued inhalation of these gases, a person might die of suffocation or asphyxia after four to five minutes,” aniya.

Ang suffocation ay tumutukoy sa kawalan ng oxygen sa utak.