Patay ang isang tindero makaraang pagsasaksakin ng kanyang sinisingil sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Jason Rivas, 27, fish vendor, ng Dumpsite Sitio 6, Barangay Catmon ng nasabing lungsod, dahil sa mga saksak sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan.

Tumakas naman ang suspek na kinilala sa alyas na Choi, nasa hustong gulang, kalugar ng biktima.

Base sa report, dakong 9:30 ng gabi ay namataan ni Rivas ang suspek sa kahabaan ng Dumpsite.

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

Nilapitan at siningil ni Rivas si Choi sa inutang nitong isda, may isang linggo na ang nakalilipas.

Nagalit umano ang suspek at bumunot ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima. (Orly L. Barcala)