Nagbabala si Senador Win Gatchalian na lalala ang smuggling ng mga mamamahaling sasakyan sa binabalak ng pamahalaan na itaas ang buwis sa mga ito.

Ayon kay Gatchalian, ang pagtaas ng excise tax ay magtutulak sa mga nasa automobile industry na pumasok sa “underground trading”.

“In my view, the incidence of smuggling will also go up when higher excise taxes are imposed on luxury cars. If this happens, it should not be ‘business-as-usual’ for the Bureau of Customs. The BOC should be ready to deal with these smugglers,” paliwanag niya.

Sa bagong panukala, ang mga sasakyang nagkakahalaga ng mahigit P2.1 milyon ay papatawan ng P1.22 milyong buwis mula sa umiiral na P512,000 o tataas ng 200 porsiyento.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Umaabot sa 20% ng mga mamahaling sasakyan sa merkado ay naipasok sa iligal na pamamaraan, batay sa ulat ng BoC.

(Leonel M. Abasola)