TAPIK sa balikat ng local organizers ang ipinahayag na suporta ng International Sambo Federation (ISF) para mapagansiwaan at mapaunlad ang kakayahan at kamalayan ng Pinoy sa sports na Sambo.

Sinabi ni Suresh Gopi, Secretary-General for Asia ng ISF, nitong Martes na handa ang federation na magsagawa ng libreng seminar at clinics para mas maunawaan ng Pinoy ang konsepto ng sports.

Dumating sa bansa si Supi nitong Lunes para dumalo sa sambo clinics nitong weekend kung saan nagsilbi siya bilang chief technical delegate of the federation (Asia) na nangasiwa sa Pre-Asian Indoor and Martial Arts Games kamakailan sa Harrison Plaza. Suportado ang event ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ang isinagawang torneo ay ginamit na basehan para sa pagpili ng mga miyembro ng Team Philippines sa 5th Asian Indoor Games and Martial Arts Games na gaganapin sa Turkmenistan (Central Asia) sa September 17-27. Lalahok ang bansa sa 18 sa paglalabanang 21 sports.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I was extremely delighted to watch the fighting skills of Filipino athletes. They are aggressive and have the natural talent,” pahayag ni Supi.

Ikinagalak naman ni Janet Sy, opisyal sa bagong tatag na Sambo Federation of the Philippines na nakabase sa Davao City ang suportad ng ISF. (PNA)