LINGAYEN, Pangasinan – “I feel excited especially it’s my first time to teach in public school with seven pairs of twins in Pangasinan”.

Ito ang masayang sinabi ng gurong si Fershalen Belen sa panayam ng Balita.

Karamihan ay identical o magkamukhang-magkamukha ang pitong kambal sa klase ni Teacher Fershalen na sina Anthony Jay at Anthony V. Coronongan; Aldrin at Alvin C. Gonzalez; Christer at Christian R. Lim; James Christian at James Christopher F. Rapiz; Jan Kian at Jan Rian T. Tan; Lyrian at Lyrica S. Tiangson; at Caroline at Kimberly P. Vinluan.

Kabilang ang pitong kambal sa 60 estudyante ni Teacher Fershalen sa Pangasinan School of Arts and Trades.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

At ang unang bagay na ginawa ni Teacher Feshalen ay ang tiyaking may suot na nametag ang pitong kambal habang nasa klase niya.

Itinuturing ito ni Teacher Fershalen na isang hamon sa kanyang kakayahan bilang guro.

“Sinabi ko sa kanila na kung may problema silang na-encounter dapat sinasabi nila agad para maayos kung ano man ito,” anang guro.

Bagamat mayroon siyang pangamba, kailangan niyang unawain at pakibagayan ang ugali ng pitong kambal.

“Ayaw ko na ang kambal ang humantong sa hindi pagkakaunawaan. Pero nakikita ko na rin sa bawat isa sa kanila na may pagkakataon naman sila na nagtutulungan sa klase simula nang pasukan,” dagdag ni Teacher Fershalen.

Nangako naman ang pitong kambal na makikipagtulungan at hindi magpapasaway sa klase at, siyempre pa, paghuhusayan ang pag-aaral. (Liezle Basa Iñigo)