Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7 n.g. – SMB vs Star

UNAHAN sa paghabi ng momentum ang San Miguel Beermen at Star Hotshots sa paglarga ng Game 3 ng kanilang best-of-five semifinal duel sa 2017 OPPO-PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naitabla ng Beermen ang serye sa 1-1 nang mailusot ang 77-76 panalo sa Hotshots sa Game 2 nitong Lunes.

Binasag ni Arwind Santos sa pamamagitan ng isang three-point shot ang huling deadlock ng laro sa 74-all may 3:45 ang nalalabi sa laro.

Hindi na nakaiskor ang San Miguel Beer, ngunit sapat na ang naturang opensa para matakasan ang Star.

“We’re lucky that the last shot of Paul Lee did not connect,” pahayag ni SMB coach Leo Austria. “We really have to work hard on our next game kasi Star is really determined to win. They knew our weaknesses and strength. “

Inaasahan din ni Austria na makakakuha sila ng sapat na momentum sa natamong panalo upang makabuwelo.

Tiyak ang resbak ng Hotshots makaraang maputol ang kanilang winning run at mabasura ang matikas na laro ni import Ricardo Ratliffe na kumubra ng career high 35 rebound at 25 puntos. (Marivic Awitan)