NATAPOS ang kauna-unahang United Nations summit on oceans sa isang pandaigdigang kasunduan na reresolba sa hindi magandang kalagayan ng mga karagatan, at mahigit 1,300 ang nangako ng kani-kanilang pagpupursige upang protektahan ang karagatan.

“The bar has been raised on global consciousness and awareness of the problem in the oceans,” sinabi ni Peter Thomson, presidente ng UN General Assembly, sa mga mamamahayag sa New York.

Sinabi ni Thomson, na ang pinagmulang bansa na Fiji ay kabilang sa mga nagsulong ng event katuwang ang Sweden, na nakuha ng mga organizer ang nais ng mga ito mula sa kumperensiya. “I’m 100 percent satisfied with the results of this conference. Our aim was high. Our aim was to start the reversal of the cycle,” saad sa press release ng United Nations Information Center sa Tehran, Iran nitong Linggo.

Nagtapos nitong Biyernes, Hunyo 9, ang Ocean Conference sa pagpapatibay ng isang 14-point Call for Action.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nagsalita kasama si Thomson, sinabi naman ni Secretary-General of the Ocean Conference Wu Hongbo na itinala ng pinagkasunduang dokumento ang mga partikular na hakbangin “to galvanize global commitment and partnerships” para sa mga karagatan.

Ang mga pangunahing puntos mula sa nasabing dokumento at sa talakayan ngayong linggo ay magiging bahagi ng UN High-level Political Forum on Sustainable Development, ang pangunahing sangay ng United Nations para sa follow-up at paghimay sa 2030 Agenda for Sustainable Development and the Sustainable Development Goals na pinagtibay noong Setyembre 2015. Ang nasabing forum ay itinakda ngayong buwan sa New York.

Bukod sa pulitikal na Call for Action, ang mga nakibahagi — na kinabibilangan din ng libu-libong kinatawan ng lipunan, akademya, sining, institusyong pinansiyal at iba pang aktibista—ay nangakong magpupursige upang mapangalagaan ang wasto at may malasakit na paggamit sa mga karagatan at yamang-dagat. Ito ang layunin ng 2030 Agenda for Sustainable Development and the Sustainable Development Goals.

Pagsapit ng hapon ng Biyernes, mahigit 1,300 voluntary commitment na ang nairehistro.

Tinawag ang bilang na “truly impressive,” binigyang-diin ni Wu, ang Under-Secretary-General for Economic and Social Affairs ng United Nations, na ang mga natipong pledge ay bumubuo na ngayon ng “an ocean solution registry.”

Ang isang-linggong kumperensiya, kung saan nasa 6,000 ang nakibahagi, ay ang unang pagkakataon na tinipon ng United Nations ang lahat upang talakayin ang mga paghamong kasalukuyang hinaharap ng mga karagatan sa mundo.

“When it comes to the ocean, it’s the common heritage of humankind. There’s no North-South, East-West when it comes to the ocean,” sabi ni Thomson. “If the ocean is dying, it’s dying on all of us.” (PNA)