LUMIKHA ng malaking upset si dating WBC Eurasia Pacific Boxing Council minimumweight champion Robert “Toto” Landero matapos talunin sa 10-round split decision si one-time world title challenger Vic “Vicious” Saludar nitong Sabado ng gabi sa Mandaue City Sports Complex sa Cebu.

“Saludar, who might have underestimated his opponent, won some rounds but never took command of the actions, missing punches and gassing out in the final rounds,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.

“Landero, on the other hand, showed consistency, stamina and determination, valuable elements that took him to the greatest victory so far in his young pro boxing career, a triumph that is likely to get him into the world rankings,”ayon sa ulat.

Napaganda ng 21-anyos na si Landero ang kanyang kartada sa 9-1-2 na may dalawang pagwawagisa knockouts samantalang bumagsak ang rekord ng 26-anyos na si Saludar sa 14-3-0 na may siyam na panalo sa KO.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Malaki ang mawawala kay Saludar sa pagkatalo kay Landero dahil nakalista siyang No. 2 sa WBO, No. 10 sa IBF, No. 12 sa WBC at No. 14 sa WBA sa minimumweight division. (Gilbert Espeña)