Mga Laro Bukas

(Ynares Sports Arena)

12 n.t. -- Gamboa Coffee Mix vs Cignal HD

2 n.h. -- Batangas vs CEU

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

INANGKIN ni Flying V ang maagang pamumuno matapos iposte ang ikatlong dikit na panalo sa impresibong 107-96 paggapi sa Wang’s Basketball, kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nag-step-up si Gab Banal para sa maagang na-foul trouble na si Jeron Teng upang pamunuan ang Thunder partikular sa second half kung saan napigil din nito ang pananalasa sa opensa ng Fil-Am na si Robert Herndon.

Umiskor si Banal ng 29 puntos, 11 rebound, apat na assist at tig-isang block at steal.

Pinangunahan naman ang pagpigil kay Herndon sa apat na puntos lamang sa second half mula sa 20-puntos na pagsabog sa first half para giyahan sa Pablo ang Thunder.

“Gab played consistently for us all throughout the game and I’m thankful that he took it upon himself to take charge when Jeron got into foul trouble and from stopping Herndon in the second half, “ pahayag ni coach Eric Altamirano.

Gayunman, sa kabila ng panalo ay di pa rin nakuntento si Altamirano bunga nang maraming lapses sa depensa partikular sa first half kung saan halos umabot ng 60 puntos ang ibinigay Wang’s na lumamang sa kanila sa halftime, 59-54.

Sa huling minuto na lamang ng third canto nakuhang kumalas ng Thunder na itinuloy nila hanggang sa fourth quarter at hindi na bumitaw upang tuluyang maangkin ang tagumpay.

Nakapag ambag si Teng ng 20 puntos, 6 assist, at apat na rebound.

Iskor:

Flying V (107) - Banal 29, Teng 20, Dionisio 14, Torres 12, Thiele 10, Salamat 8, Tampus 8, Cañada 4, Webb 2, Gamboa 0, Colina 0, Mendoza 0.

Wangs (96) - Herndon 24, De Chavez 13, Tayongtong 12, Juico 11, Bitoon 9, Arambulo 7, Montemayor 6, Habelito 6, King 3, Asuncion 3, Ambuludto 2, Sorela 0, Riley 0. (Marivic Awitan)