TARLAC CITY - Nagmistulang “Rambo” ang isang 26-anyos na lalaki nang magwala ito at pinagsasaksak ang tatlo nitong kabarangay, na ikinamatay ng isa sa mga ito, sa Barangay San Jose, Tarlac City.

Kinilala ni SPO1 Roberto Bautista, Jr. ang nasawing si Paulo John Lalu, 17, na nagtamo ng tatlong malalalim na saksak sa dibdib at idineklarang patay ng mga doktor sa Ramos General Hospital.

Arestado at nahaharap sa homicide at serious physical injuries si Jescel Cordero, alyas “Nano”, binata, ng Bgy. San Jose, matapos na pagsasaksakin din sa tiyan si Noe Ruisan at isang 17-anyos na lalaki.

Nauna rito, kausap ni Cordero ang bayaw na si Bryan Saratan, 25, may asawa, ng Bgy. Tibag, Tarlac City nang biglang dumating ang mga biktima at kinumpronta ito na nauwi sa suntukan.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan

Umuwi sa bahay si Cordero at pagbalik ay pinagsasaksak ang tatlong biktima. (Leandro Alborote)