WASHINGTON (AFP) – Pinayagan ng North Korea ang isang Amerikanong estudyante na na-comatose habang nakakulong sa labor camp na mailipad pauwi nitong Miyerkules kasabay ng pagpapaigting ng Washington sa mga pagsisikap na mahinto ang nuclear program ng Pyongyang.

Pinalaya si Otto Warmbier matapos ang18 buwang pagkakakulong sa 15-taon niyang sentensiya. Ang estudyante ng University of Virginia, ay inaresto sa pagbaklas ng political banner sa pader ng isang hotel sa North Korea.

Sinabi ni Secretary of State Rex Tillerson na pumayag ang North Korea sa kahilingan ng kanyang ahensiya na palayain ang 22-anyos at sinisikap din nilang mapalaya ang tatlo pang mga Amerikano.

‘’Otto has left North Korea,’’ sinabi ng kanyang mga magulang na sina Fred at Cindy Warmbier sa CNN. ‘’He is on a medivac flight on his way home. Sadly, he is in a coma and we have been told he has been in that condition since March of 2016. We learned of this only one week ago.’’

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'