Handa na ang alternatibong trabaho para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na maaaring maapektuhan ng diplomatic crisis sa Qatar.

“If there is any lay-off, our labor attache has already talked with the Foreign Recruitment Agencies (in Qatar), to provide alternative jobs to Filipinos,” paniniyak ni Labor Undersecretary Dominador Say sa mga mamamahayag sa isang panayam.

Sinabi ni Say na bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) at ng Philippine Embassy sa Qatar na i-update ang gobyerno sa contingency plan sa pag-aayuda sa 200,000 OFW sa Qatar, na maaaring maapektuhan sa desisyon ng Kingdom of Saudi Arabia, United Arab Emirates, at Bahrain na putulin ang relasyon sa Doha.

Sinabi ni Say na magpapadala rin sila ng karagdagang tauhan sa Middle East upang tumulong sa pagpapatupad sa contingency plan kung kinakailangan. (Samuel P. Medenilla)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente